Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil
Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG!-hAH-va- yaH-naZz!! (Filipino)
Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).
Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang,
1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayaman.
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- “Shock-absorbent ”
- Malambot ngunit matibay.
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
- Mainam na pang-japorms.
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
- Magiging “fashionable” ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.
Olats namgakatangian:
- Mahal! Mahal! Mahal!
****
Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines
Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot: Si manong at si manang :D
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis.
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
- Pwedeng ipamalengke.
- Mainam gamitin sa tumbang-preso.
- Mainam gawing “shield” kapag naglalaro ng espa-espadahan.
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis “cube,” e maaari mo nang
gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).
Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang
ang hisura.
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na
nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.